Since WALA namang nakaka-alam sa page ko na to, mabuti pa dito ko nalang ibuhos to. kung sakaling may makakakita't makakabasa man nito, can you notify me? comments are much appreciated :D
Chapter
One
|Gayle|
Nagising
ako na medyo nahihilo. Ipinikit ko ang aking mga mata dahil parang sasabog na
ang aking ulo. Sari-saring mga emosyon ang dumadaloy sa aking katawan na hindi
ko maipaliwanag.ngayon lang ito nangyari sa akin. Nang mahimasmasan ako ng
kaunti, iminulat ko ang aking mga mata upang tingnan ang aking kapaligiran.
Nasan ako?!
Lahat
ng nakikita ko ay kulay puti. Sinubukan kong tumayo ngunit hindi ko kaya. Ang
sakit ng ulo ko.
Tumayo ka anak saad ng
isang tinig mula sa aking likuran
Nagulat na lang ako ng kusang tumayo ang aking
mga paa. Sino ba siya? Parang nabasa niya ang iniisip ko sapagkat sumagot siya
Ako si San Pedro Anak.Ikaw Gayle ay nasa Pagitan ng buhay at
kamatayan..
Ha? Anong
pinag sasabi ng matandang ito. Hindi porket naka daster siya ng puti na animo’y damit ni Jesus
maniniwala ako sa kaniya
Maniwala ka Gayle. Gusto mo ng proweba?
Dahil
sa likas ako na Curios ay tumango ako.
Tumingin ka sa inaapakan mo.
Nung
tiningnan ko ay napasinghap ako. Ang dating puti, ngayon ay parang naging
salamin at ang nilalaman? Ako na
nakahiga sa isang kama sa hospital at ang katawan ko ay puno ng bandage at mga
nakatusok na naka-konekta sa iba’t ibang klase ng makinarya. Napa-hikbi ako sapagkat
naaawa ako sa kalagayan ko. Ang putla-putla ko, parang patay. Mas lalo pa akong
napaiyak ng Makita ko ang aking mga magulang at kakambal sa tabi ng aking kama.
lahat sila’y umiiyak. Ito ang unang beses na nakita kong umiyak ang aking ama.
Patay na ba ako? Hindi
ko maiwasang mapatanong
Katulad ng sinabi ko kanina, nasa pagitan ka ng buhay at kamatayan.
Hindi ka pa patay ngunit hindi ka rin naman buhay.
Huh?! Edi ano ako?
Naliligaw na kaluluwa
Naliligaw
na kaluluwa? E diba parang patay na rin yun? Nakita ko naman na napangiti si
san Pedro. Naliligaw? T-teka, edi may posibilidad na..
Kung naliligaw ako, edi may posibilidad na makabalik ako sa katawan ko.
Sumang-ayon
naman si San Pedro. Halos mapalundag ako dahil sa tuwa ngunit natigilan ng
marinig ko ang sumunod niyang sinabi:
Makakabalik ka lamang kapag nagawa mo ang ipapagawa ko.
Nakaramdam
ako ng kaba. Base kasi sa ekspresyon ng kaniyang mukha ay mukhang mahirap ito.
Ngunit ng napatingin ako sa salamin ay nabawasan ng kaunti ang aking
nararamdaman.
A-ano ba yun? Nag-aalangan kong tanong
Kailangan mong sunduin ang mga kaluluwa na kailangan ng husgahan, mga
taong kailangan ng mamatay...
Napalunok
ako. Kailangan kong gawin iyon, alang-alang sa aking Pamilya.Mukhang nakita
naman ni San Pedro ang determinasyon na dumampi sa aking mga mata kaya’t
ipinagpatuloy niya ang kaniyang sasabihin
May tatlo kang tao na susunduin. Ang pangalan nila ay nakasulat sa
kwadernong ito (inabot ang isang kulay ginto na hard-bound na
libro) Isusulat mo diyan sa kung paanong
paraan sila namatay, eto ang panulat ( inabot niya ang isang kulay itim na
panulat).
teka, paano ko malalaman na sila na pala ‘yon?
malalaman mong sila na iyon kapag may maramdaman ka na kakatwa kapag
nakita mo ang kanilang mukha. Babalik ka mundo bilang isang tao ngunit sa ibang
katauhan.Maaari mong bisitahin ang iyong mga magulang ngunit hindi ka pwedeng
magpakilala bilang si Gayle Angelique Salvador. Siya nga pala, meron kang 2
linggo para matapos mo ang misyon na ito.
Nilagay
ni San Pedro ang Kamay niya sa balikat ko
Hindi lang ikaw ang makikinabang sa misyong ito..kaya’t hanggang maaari
ay lawakan mo ang iyong pag-iisip.dito masusubok ang paninindigan at katatagan
mo...
Pagkatapos
niyang sabihin iyon, naramdaman ko na lang na nahuhulog na ako. Kung saan?
Hindi ko alam.
No comments:
Post a Comment