Chapter
Two
|Krystal|
Ba-bye! Sigaw ko sa aking Pamilya sabay takbo.
Ako si
Krystal Jade Fernandez. Kilala ako sa aming lugar dahil sa aking kasipagan ,
kabaitan, kataliuhan at higit sa lahat kagandahan~~~ sabi ng nanay ko ( -3-)
Ako ay
labing walong taong gulang at ang bread winner ng aming pamilya. Nagkasakit
kasi ang aking Ama kaya’t hindi siya pwedeng magpagod. Kahit papano,
nakapagtapos naman ako ng highschool. 16 years old kasi ako nung nagyari yun sa
aking papa. Meron akong nakakabatang kapatid, si Ailynn at isa lang ang
masasabi ko sa kaniya, siya ang the best kapatid in town. ^///^
O siya,
tama na ang pagpapakilala. Dumiretso na tayo sa kwento.
Kasalukuyan
akong tumatakbo papunta sa trabaho ko ngayon dahil kung hindi, masisisante na ako.
Sunod-sunod na kasi ang pagkaka-late ko sa trabaho dahil sa pag-babantay kay
papa. Si mama kasi eh, ang tigas ng ulo. Sinabi ko ng huwag ng mag-labada at
ako na lang ang mag tatrabaho para my mag-babantay kay papa, eh ayaw!
*takbo*takbo*
Nung
makita ko ang pintuan ng aking pag-tatrabahuan, parang nag slow motion ang
lahat..
Kaliwa.kanan.kaliwa.kanan. Sige lang Krystal takbo pa..malapit na ang
finish line..
Konti na lang..Kaya yan
Konting-konti na lang!
Three
Two
One
Pagkapasok
na pagkapasok ko sa loob ay agad kong chineck ang orasan
7:29! O yeah!
At
dahil nagtagumpay ako, nagmistulang
heaven ang aking paligid.
May
tumutugtog na harp sa background, may mga ulap ,may mga nagagandahan, nagagwapuhang
at mga cherubic na anghel sa aking paligid at...
.
.
.
.
.
at.....biglang
naglaho ng parang bula ang lahat-lahat ng biglang may sumulpot na mamaw~~ este
si manager sa aking harapan.
Late ka na naman Krystal, pang labing dalawa mo na to ah! angil niya
Bigla
akong nag-panic
H-hindi po mamaw! Este ma’am Au... nakarating po ako dito eksatktong
7:29 am! Tanungin niyo po sila..
Tinaasan
lang ako ng kilay at saka tinanong si Brad, ang body guard.
Totoo ba ang sinasabi nito? Paniniyak
niya
Opo magalang na sagot ni Brad the body guard
Tinaasan
niya lang ako ng kilay at saka umalis.
Phew! Muntik na ko doon ah!
Siya si
Ma’am Au (short for Aurora)~ ang mamaw ng buhay ko..hehe.. siya ang manager ng
cupcake store na pinapasukan ko, ang Cakes in Cups. May katamtamang laki ang
store kaya’t medyo marami kami dito. May dalawang pastry Chef, dalawang body guard, tatlong
Server at obviously, isang mamaw este manager. Si Ma’am ay kapatid ng may-ari
nitong cupcake store kaya’t akala mo para siyang amo. Mas mabait pa nga yung
amo namin eh! Palibhasa matandang dalaga.
Pumunta
na ako sa pwesto ko. Nasuot ko na yung uniform ko, kaya’t ung apron nalang saka
head band ang kulang. Ang Kyut nga nung uniform namin eh, parang sa Maid Sama.
Kulay itim na maid’s uniform na balloon ang skirt na hanggang tuhod, white
apron at head band saka black shoes with white socks.. oh diba ang cute? Parang
nag cosplay lang kami..
Bukod
kasi sa cup cakes ay napag desisyunan ng may-ari na mag-benta na rin ng kape,
tulad ng sa mga coffee shop. Meron kaming Capuccino, double cappuccino, Mocha,
Espresso, latte mochafrapp at an gaming espesyal na kape..... BARAKO. Anim lang na klase kasi bago pa lang
nasimulan.
Maraming tao kapag umaga at sa kasamaang palad, nasa
morning shift ako. 24/7 kasi ang store na ito. Sa ganitong oras, karamihan sa
mga costumer ay mga college students na nag-papalipas oras.
Here’s your order miss. Sabi ko sabay lagay ng
triple chocolate cupcake at latte sa table ng isang kolehiyala.
Thanks. Sabi niya sabay ngiti oh, by the way
here’s your tip. Binigay niya sa akin ang isang daan. Nginitian ko naman
siya saka nagpasalamat. Laking pasasalamat ko dahil tinaggap nila ako dito,
bukod kasi sa medyo malaki ang sweldo ay binibigyan pa kami ng tips. Malaking tulong talaga to dahil my mga gamot
na dapat i-maintain si papa.
Bumalik ako sa station ko upang kumuha ng panlinis sa mesa ng may
pumasok,ng tiningnan ko kung sino yung dumating, costumers pala. Apat na
college students na kalalakihan, na sa tantya ko ay nasa 19 hanggang 20 ang
edad.
Magaling
akong mag tantya ng edad ng tao eh XD
Kinuha ko na yung notepad at pen ko at dumeretso sa table nila.
Welcome
to cakes in cups. Ano po ang order nila? Sabi ko sabay bigay ng malapad na
ngiti (^v^)
Kahit ano basta mabura lang yang ngiti
mo..para kang tanga saad
ng isa sa mga lalaki. Yung naka coral blue na polo at saka naka gel.
Sige lang Krystal. Smile lang. Super
duper sweet ka eh, bitter lang siya.
Ngingiti-ngiti pa eh, akala mo kung
sinong maganda dagdag
pa niya
Nakakahalata
na ko dito ha..
Ah! pag-pasensiyahan mo na ang kasama
naming miss ha? Pag-hingi
ng dispensa ng kasamahan niya na naka white polo shirt ganyan talaga yan eh, masungit(^_^V) Sabi niya tsaka nag peace
sign.
Oo nga miss dugtong pa nung isa na
naka checkered na polo na naka salamin kami
na ang humihingi ng dispensa.
Bro! Hindi ganyan ang tamang pagtrato
sa babae sabi
pa nung isa na naka polo shirt na stripes sabay tapik sa balikat nung naka
coral blue na polo
By the
way miss beautiful, I’m steve.what’s your name? Pahabol niya sabay ngiti ng
mapang-akit
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Parang
nadadala ako ah.
.
.
.
.
.
.
.
NOT!
As
if!
Eew!!
Mukhang
chickboy pa yung naka suot ng stripes na poloshirt. Pero infairness .. uhm,
gwapo na man sila.. pero parang ayaw ko sa kanila.. mukhang arrogante. Pero kahit
papano naman may modo, pwera lang sa isa
-_-
Tss.. mag
sitigil nga kayo.. kaya kong humingi ng dispensa sabay tingin sa akin ng makahulugan nung naka coral blue na polo. Ako
naman, dahil sa mahaba ang pasensiya ko, nakangiti lang ako. Hihingi
siguro siya ng sorry.
Yun nga lang kung gusto ko sabay smirked sa akin
.
.
.
3
.
.
2
.
1
Unti
–unting nabubura ang ngiti ko.
Keep calm and stay pretty, Krystal
Okay lang po iyan sir.. wala namang
pumipilit sa inyo eh.. naiintindihan ko po na mahirap talagang itago ang katotohanan lalong-lalo pa po
at napapaligiran kayo ng mga taong di
pwedeng mapasainyo dahil hindi pwede. Baka layuan lang kayo at kukutyain.
Mahirap na at Isa pa po,
.
.
.
marami talgang naiinsicure sa akin e. Saad ko sa nakapang-iinis
na tono.
Nag
sitawanan ang mga kasamahan nung naka coral blue na polo habang siya naman ay
namula sa pagkakainis.... o pagkagalit siguro.
.
.
.
Oh Man! That was epic! I never thought
na my magdududa sa pag-kalalaki mo ( naka white na polo)
.
.
.
That will sting man! A lot!
(nakacheckered)
At
ang pinakahuling nagsalita ang Steven (flirt)
Maybe she’s right man! *insert fits of laughter here* maybe your G...
*BOGSH*
Binatukan
ng pagkalakas ni Coral blue si Steve sa ulo na animo’y matatangal sa
pagkakadikit mula sa kaniyang spinal coloumn.
Stop it! ani niya sa malamig na tono saka
ibinaling ang kaniyang nag-aapoy na tingin sa akin.
And you! Huwag na huwag mong
pagdududahan ang pag-kalalaki ko. Hindi ko na kailangan pang patunayan yon,
lalong lalo na sa isang kagaya mo.. If you’re doin’ this to get my attention,
save it. hinding-hindi ako papatol sa isang kagaya mo..
.
.
.
.
Ouch!
Tumagos sa puso ko iyon ha! Akala mo
patatalo ako?!
.
.
.
.
Mawalang galang na po Sir, o sir nga ba? Hindi mo talaga
mapapatunayan yun dahil hindi naman totoo.. so anong use? At isa pa po, alam
kong di mo talaga ako papatulan kasi hindi ako lalaki. DIba Sir? * insert nakakalokong ngiti here*
Kung
kani-nanina’y nagsitawanan lang ang mga kasamahan nitong si Serena (blue),
ngayo’y halos maiyak na sila kakatawa. Ito naman si sir DAW, mas lalo pang namula at tiningnan pa ako ng pagkasama..
Oh sir, hinay hinay lang sa pagtitig.
Kung sakaling nagtataka ka, wala akong make up ha.. only johnsons baby powder
touches my skin.. sabi
ko
Ikaw, sinusubukan mo talaga ako ha... bigla siyang tumayo sa pag
kaupo niya. HALA! Ang tangkad niya, parang poste..
*GULP* Patay tayo neto
Sakto
namang dumating si Ma’am Au.
Raf! Good to see you again. Nagagalak na bati niya.
PHEW!
Buti na lang.. muntik no ko dun ha.. ayos talaga sa timing itong si Ma’am J
I’m Glad to see you too,auntie.
Looking good as always.
Galak
daw. Tsk. My nagagalak bang napakaseryoso ng mukha? Ano yun nag dedesguise?
Ikaw talagang bata ka! Ngiting –ngiting tugon ni
ma’am with pahampas hamapas effect pa!
Anyway, anong nangyayari dito? Bat di
pa kayo nag oorder?
Mag oorder naman po sana kami eh, saad ni steve, yung naka
stripes
kaya lang napag-diskitahan nitong si Raf ang
magandang dilag na ito.alam niyo naman si Raf, may pinag-dadaanan...
Pinag
dadaanan? Valid reason ba yun para pwede ka ng mang-imbyerna ng tao? Luh.
Maganda? Saan banda? Tsk. Saad ni Coral blue/ Raf
OO.
Maganda ako!! ~~ sabi ng NANAY ko, saan banda? Edi lahat.
Tiningnan
ako mula ulo hanggang paa ni Ma’am Au saka tinaasan ng kilay. Binaling niya
muli ang paningin niya kay raf at parang nagbago ang demeanor niya.
It’s okay.ako na bahala dito. Kung hindi ako nagkakamali
ay parang lumambot ang tinig ni Ma’am Au. Di yung karaniwang “masungit voice”
niya
o-okay po..
bago
ako tuluyang umalis ay tiningnan ko muli ang Raf..at tinignan niya rin ako..
.
.
.
.
.
.
Nagkatinginan
kami
.
.
.
.
Tapos
ako à >:-P sabay takbo paalis
Narinig
ko nalang ang muling tawanan ng kaniyang kasamahan.
*Fast
Forward*
Mag
aalas diyes na ng gabi. Pinagpasyahan kong mag-over time dahil sayang naman ang
kikitain ko. Di kasi makakapunta ang isang night shift waitress eh kaya’t
kinuha ko na lang. Sa ganitong oras, mangilan-ngilan lang ang mga costumers
kaya’t okay na rin, kahit papano ay nakapag-pahinga ako.
Krystal...krystal
Nasa
my counter ako noon ng tinawag ako ni Mayette, isa sa pastry artist namin.
Mabait yan, hindi mataray kahit may kaya sa buhay. Bakas sa kaniyang boses at
mukha ang pag alala.
Oh mayette. Bakit? anong problema?
Aalis muna ako sandali. Nag text ang
yaya ni Aya. Nilalagnat na naman daw. Titingnan ko muna siya. Huwag kang
mag-alala, babalik din naman ako.
Ha?! Oh sige.. bilisan mo na. Huwag
kang mag-alala, ako na bahala dito
Salamat talaga Krystal ha? Ani ni Mayette saka ako
niyakap at umalis na
Malaki
ang utang na loob ko kay Mayette. Nung mga panahon kasi na
labas-pasok si tatay sa hospital siya lang ang tumulong sa akin. Pinahiram niya
ako ng pera at binigay niya pa sa akin ang kaniyang sahod sa buwan na iyon ng
walang kapalit. Kung tutuusin nga, di niya na kailangan pang magtrabaho. Anak
mayaman yan eh, nakapangasawa pa ng kapwa mayaman. Ang ganda nga love story
nila eh, pang teleserye. Si Mayette amo ni
Jared, ang kaniyang husband. Nag-trabaho si Jared sa kanila bilang
driver. At doon nga nagsimula ang kanilang pag titinginan. Sad to say, naging
you and me against the world sila. Ayaw ng papa ni mayette kay jared, kaya
hayun pinag-hiwalay sila. Ang masama pa roon ay hindi lang nakipaghiwalay si
Mayette kay Jared, pinag salitaa niya pa ito ng masakit. Hindi naman kagustuhan
ni mayette yun eh, kinailangan lang niyang gawin iyo dahil alam niyang hindi
siya tatantanan ni Jared kung makipag-break lang siya ng walang dahilan.
Mapapahamak lang si Jared pag nagkataon.Mas pipiliin niya na lang na magalit
ito sa kaniya dahil at least lalayo ito sa kanya kahit mahal na mahal pa niya
si Jared. Matapos ng kanilang intense na break up, nalugi ang kumpanya nila
Mayette na naging rason upang mag kasakit ang ama nito ng malubha. Sa puntong
iyon, tumigil sa pag-aaral sa Kolehiyo si Mayette upang mag trabaho. Hindi kasi
sapat na pambayad ang mga ari-arian nila. Ang masama pa nito ay tinakbo ng
kaniyang tito ang pera ng kaniyang ama. Nag trabaho siya bilang janitress,
waitress hanggang sa pagbebenta ng kung ano-ano para kumita lang ng sapat na
pera. Ngunit kahit na ganoon, hindi siya pinanghinaan ng loob hanggang sa
dumating na lang isang araw na kailangan niyang ibenta ang kanilang bahay.
Napakabigat sa loob na ibenta niya ito sapagkat yun nalang ang natitirang
ala-ala ng kaniyang yumaon na ina. Turns out, si Jared pala ang nakabili ng
bahay at ang mas nakakagulat pa ay siya pala ang nawawalang anak ng may-ari ng
pinakamalaking networking company sa Asya. Nung una, bumalik si Jared upang
gumanti sa kanilang mag-ama at para masagawa ang plano, pinapirma niya si
Mayette ng kontrata na nagsasaad na magiging asawa/personal slave niya ito sa
loob ng isang taon. Kapag nagawa naman ito ni Mayette ay ibabalik ni jared sa
kaniya ang bahay. Isang taon ang hinigi niya dahil isang taon niya ring
papahirapan si Mayette. Matapos nilang ikasal, tumira sila sa iisang bahay or
should I say mansion. Araw-araw, pinapalinis ni Jared kay Mayette ang buong
bahay mag-isa, pinaglalaba ng mga
bed sheets at damit na hindi gumagamit ng washing machine at ipiagluluto pa
siy. ngunit hindi sumagi sa isip at puso ni Mayette ang magalit kay Jared. Sa
halip ay tila mas lumalim pa ang pag mamahal niya dito. Natigil lamang ang mga
gawaing ito, matapos niyang alagaan at bantayan si Jared ng mag-kasakit ito ng
medyo malubha. Wala kasing may nag-aalaga kay Jared, kahit ang sarili nitong
ina. Masaya na nga sana siya kahit papano kasi mukhang unti-unti g bumabalik sa
dati ang kanilang relasyon kung di lang nagging mailap si Jared sa kaniya sa
huli. Kaya pala nagka ganoon ay dahil nasa stage of confusion pa si Jared.Sinubukan
naman ni Mayette na maging close ulit sila ni Jared eh, hanggang isang gabi
umabot na sa sukdulan si Mayette. Nadatnan niyang nakahiga si Jared sa kanilang
kama kasama ang isang di kilalang babae at pareho silang hubad. Dahil sa
sobrang kalungkutan at pagkadismaya ay napag-pasyahan niyang umalis.
Iniwanan niya si Jared ng isang liham na
nagsasaad na hindi na niya kaya at maghahanap na lamang siya ng trabaho upang
mabili ulit ang bahay ng kaniyan ina mula kanya. Medyo malayo rin ang binyahe
ni Mayette. Nakarating siya sa Cebu at doon naghanap ng trabaho. Doon siya nabigyan ng pagkakataon na maging
Chef sa isang di kilala na bakery. All the while, halos mabaliw si Jared sa
kakahanap sa kaniya dahil finally inamin na niya sa sarili niya na mas mahalaga
si Mayette sa kanya kesa sa galit niya. Nang matunton niya ito ay sinuyo niya
muli ito nag-kaaminan silang dalawa at nagpasyang magpakasal ulit.hindi lamang
iyon, nadakip ang kaniyang tito at naibalik ang kanilang pera, gumaling ang
kaniyang ama at bumalik ulit sa pag nenegosyo gamit ang na recover na pera na
muling nagtagumpay. Nabiyayaan rin sila ng isang anghelsa katauhan ni Aya.
Oh diba? Pang teleserye ang Peg nila...
Ako
at si Bogart (security guard) ang natira sa Cafe. Mabuti nga lang at walang ng
costumer na pumapasok. Halos makatulog na ako sa kinauupuan no ng makarinig ako
ng pag bukas ng pintuan. Isang matandang babae ang bumungad sa aking paningin.
Agad kong inayos ang aking sarili at saka pinuntahan siya.
Good evening ma’am! Welcome to cakes
in cups. Here is our menu. Inabot
ko sa kaniya ang menu. Napansin ko naman na medyo maputla siya.
Gusto niyo po ba ng tubig? Mukhang
kailangan niyo eh...
Ngumiti
naman ang matanda at saka tumango. Pumunta ako sa kitchen saka kumuha ng isang
Pitcher ng tubig at baso. Bumalik ako doon sa table. Pinuno ko muna ang baso
saka ibinigay sa kaniya. Ininom niya naman kaagad ito.
Maraming salamat Ineng ha? Kanina pa
talaga ako nauuhaw at nagugutom. Kanina pa nga ako naghahanap ng makakainan eh,
ngunit sa kasamaang palad isang club lang at ng cafe na ito ang bukas, eh
alangan naman doon ako sa club sabi ni Lola saka tumawa. Napatawa naman ako
Ayaw niyo po yun? Ang cool ng dating
niyo! Kumunot
ang noo ni lola.
Ah! di ko lubos maisip na pumasok sa isang
maingay at mapusok na lugar.
Napailing
nalang ako. Hindi ko alam kung bakit ngunit ang gaan ng pakiradam ko sa kaniya
Maiba po tayo, may napili na po ba
kayo?
Oo, bigyan mo ako nitong blueberry
cheese cupcake niyo bali dalawa at saka isang tasa ng kapeng barako at latte
Nagulat
ako ngunit hindi nagsalita. Pang dalawang tao kasi yung inorder ni lola eh.
Mauubo niya ba yun? Matapos kung ibigay ang order ni lola ay nagulat ako dahil
pinaupo niya ako sa tabi niya at binigay ang isang cupcake at latte sa akin.
Sinabihan niya akong sabayan daw siya dahil wala naman daw na costumer bukod sa
kaniya. Dahil sa medypo gutom na rin ako ay pumayag na rin ako.
Napakakulit
pala nitong si lola. Ang hyper niya at maraming alam na pranks. Kinuwento niya
rin sa akin ang buhay niya ngayon. Biyuda na siya at hinihintay na lang kung
kailang siya mamamatay. Para sa kaniya, tapos na ang tungkulin niya dito sa
mundo. Mapagtapos niya na ang kaniyang limang anak at may mg kaniya-kaniya ng
mga buhay ito ngayon. Lahat sila Masaya. Para sa kaniya, ito na ang
pinakamalaking tagumpay iya bilang isang tao at isang ina. Sa loob ng oras na
kasama at kwentuhan ko si lola ay mas lalo akong naging malapit sa kaniya.
Siguro dahil yu sa kadahilanan na gusto ko rin magka-lola. Pareho kasing
maagang namatay ang mga lola ko eh, di ko man lang naabutan :-/ kinwnto ko rin sa kaniya ang buhay ko at
ang kasalukuyang kondisyon ni papa.
Nang
matapos kami ay inutusan na ako ni lola a iligpit ang pinagkainan name. Sinabi
niya rin na ilalagay niya na lang sa mesa ang bayad niya. Alam ko naman na
totohanin ni lola ang sinabi niya at isa pa, alam kog minamasdan at naririnig
kami ni Bogart kaya alam ko na may gagawin ito kung saka-sakali. Pagbalik ko
mula sa kitchen, nakita ko na may envelope sa taas ng Mesa. Nang binuksan ko
ito ay may isang kwintas na nahulog mula dito. Isang white gold na kwintas na
may pendant na hugis pak-pak ng anghel. Kasama rin sa loo bang isang libong
piso at saka isang note na:
Krystal,
Sa loob ng maikling oras nating
pag-uusap, pakiramdam ko ay matagal na
kitang kilala. Hindi ko alam kung bakit nguit ang gaan-gaan ng pakiramdam ko sa
iyo. Alam kong malalagpasan mo rin ang lahat ng mga pinagdadaanan mo ngayon
kaya kapit lang at huwag kalimutan and tao sa itaas. Dahil diyan, ibibigay ko
sa iyo tung kwintas kong ito. Alam kong mas kailangan mo ito kaysa sa akin.
Pagpalain ka g
Diyos
-lola-
Ipinasok
ko ang kwintas sa bulsa ko saka tinanong kay Bogart kung kanina pa umalis si
lola. Sabi niya hindi pa naman masyado. Sinabihan ko rin si Bogart na siya na
muna ang bahala dito at my aasikasuhin muna ako sandal. Gusto kong magpasalamat
kay lola. Lumabas ako at tinakbo ang eskinita. Medyo madilim kasi konti lang
ang post eng ilaw pero binalewala ko iyon, may mga tao naman eh. Di nagtagal
nakita ko ang silhouette ni lola sa may di kalayuan
Lola! Sigaw ko ngunit tila di niya ako
naririnig
Lola! Mas lalo kog binilisan ang pagtakbo ko
para maabutan siya. Mata ko’y nakapako lang sa kaniya ng makarinig ako ng
napakalakas na busina at parang nag slow motion ang lahat...
Nakita
ko na lang na may isang kulay puti na rumaragasang sasakyan na bumanga kay
lola. Dahil sa lakas nito ay tumilapon si lola sa may di kalayuan. Nakita at
narinig ko rin ang tunog ng malakas na pagbagsak niya at ang pagtakbuhan ng mga
tao sa katawan ng tao upang siya ay tulungan. Tumingin ako sa sasakyan, tapos
kay lola all through out, nakapako lang ako sa aking kinatatayuan na aimo’y
statwa. Bumalik lang ako sa realidad ng mahagilap ng aking mga mata ang isang
babae, siguro ay ka-edad ko, na siguro tulad ko ay nakita ang pangyayari.
Maganda rin ang babaeng ito pero parang maputla.Ngunit ang pinagtataka ko ay
mga sumunod niyang pag-kilos.
Pumunta
siya sa nagkukumpulan na mga tao ngunit hindi sumiksik. Nasalikod lamang ito ng
my kinuha siyang isang libro na hardbound at isang ballpen mula sad ala-dala
nitong bag at saka nagsulat ng ilang saglit. Matapos nito’y para kung may anong
lamig ang bumalot sa aking katawan at nagsitayuan ag mga buhok ko. Nakita ko
kasing bumangon ang isang transparent
na lola mula sa katawan nito at pumunta sa babae. Nag-usap sila saglit tapos
sabay lumakad papunta sa kadiliman at nag-laho. Hindi parin ako natinag sa
aking pwesto.
Totoo ba ang lahat ng nakita ko o
kathang isisp laman yon?
Nakawala
lamang ako sa pagiging statwa ko ng my dumating na ambulansya. Nagsimula na
akong lumakad pabalik ng cafe e medyo tuliro at naguguluhan. Pinabalik balik ko
sa aking isipan ang aking natunghayan..
Hindi ako pwedeng magkamali sa nakita
ko..
Kinabukasan
narinig ko nalang ang balita na:
Isang Matandang Babae ang namatay
matapos itong mabanga ng kotse. Sinubukan pa raw itong dahil sa Ospital ngunit
idineklara na itong dead on arrival. Napagalaman rin na isang lasing na minor
de edad ang nagmamaneho ng sasakyan na nakabangga sa kaniya, dapit alas dose
impunto ng gabi....