Saturday, December 7, 2013

Angel's Pen Chapter Two

It's me again.

Chapter Two

|Krystal|
Ba-bye! Sigaw ko sa aking Pamilya sabay takbo.
Ako si Krystal Jade Fernandez. Kilala ako sa aming lugar dahil sa aking kasipagan , kabaitan, kataliuhan at higit sa lahat kagandahan~~~ sabi ng nanay ko ( -3-)
Ako ay labing walong taong gulang at ang bread winner ng aming pamilya. Nagkasakit kasi ang aking Ama kaya’t hindi siya pwedeng magpagod. Kahit papano, nakapagtapos naman ako ng highschool. 16 years old kasi ako nung nagyari yun sa aking papa. Meron akong nakakabatang kapatid, si Ailynn at isa lang ang masasabi ko sa kaniya, siya ang the best kapatid in town. ^///^
O siya, tama na ang pagpapakilala. Dumiretso na tayo sa kwento.
Kasalukuyan akong tumatakbo papunta sa trabaho ko ngayon dahil kung hindi, masisisante na ako. Sunod-sunod na kasi ang pagkaka-late ko sa trabaho dahil sa pag-babantay kay papa. Si mama kasi eh, ang tigas ng ulo. Sinabi ko ng huwag ng mag-labada at ako na lang ang mag tatrabaho para my mag-babantay kay papa, eh ayaw!
*takbo*takbo*
Nung makita ko ang pintuan ng aking pag-tatrabahuan, parang nag slow motion ang lahat..
Kaliwa.kanan.kaliwa.kanan. Sige lang Krystal takbo pa..malapit na ang finish line..

Konti na lang..Kaya yan

Konting-konti na lang!

Three
Two
One
Pagkapasok na pagkapasok ko sa loob ay agad kong chineck ang orasan

7:29! O yeah!
At dahil nagtagumpay ako,  nagmistulang heaven ang aking paligid.
May tumutugtog na harp sa background, may mga ulap ,may mga nagagandahan, nagagwapuhang at mga cherubic na anghel sa aking paligid at...
.
.
.
.
.
at.....biglang naglaho ng parang bula ang lahat-lahat ng biglang may sumulpot na mamaw~~ este si manager sa aking harapan.
Late ka na naman Krystal, pang labing dalawa mo na to ah! angil niya
Bigla akong nag-panic
H-hindi po mamaw! Este ma’am Au... nakarating po ako dito eksatktong 7:29 am! Tanungin niyo po sila..
Tinaasan lang ako ng kilay at saka tinanong si Brad, ang body guard.
Totoo ba ang sinasabi nito? Paniniyak niya
Opo magalang na sagot ni Brad the body guard
Tinaasan niya lang ako ng kilay at saka umalis.
Phew! Muntik na ko doon ah!
Siya si Ma’am Au (short for Aurora)~ ang mamaw ng buhay ko..hehe.. siya ang manager ng cupcake store na pinapasukan ko, ang Cakes in Cups. May katamtamang laki ang store kaya’t medyo marami kami dito. May dalawang  pastry Chef, dalawang body guard, tatlong Server at obviously, isang mamaw este manager. Si Ma’am ay kapatid ng may-ari nitong cupcake store kaya’t akala mo para siyang amo. Mas mabait pa nga yung amo namin eh! Palibhasa matandang dalaga.
Pumunta na ako sa pwesto ko. Nasuot ko na yung uniform ko, kaya’t ung apron nalang saka head band ang kulang. Ang Kyut nga nung uniform namin eh, parang sa Maid Sama. Kulay itim na maid’s uniform na balloon ang skirt na hanggang tuhod, white apron at head band saka black shoes with white socks.. oh diba ang cute? Parang nag cosplay lang kami..
Bukod kasi sa cup cakes ay napag desisyunan ng may-ari na mag-benta na rin ng kape, tulad ng sa mga coffee shop. Meron kaming Capuccino, double cappuccino, Mocha, Espresso, latte mochafrapp at an gaming espesyal na kape..... BARAKO.  Anim lang na klase kasi bago pa lang nasimulan.
Maraming  tao kapag umaga at sa kasamaang palad, nasa morning shift ako. 24/7 kasi ang store na ito. Sa ganitong oras, karamihan sa mga costumer ay mga college students na nag-papalipas oras.
Here’s your order miss. Sabi ko sabay lagay ng triple chocolate cupcake at latte sa table ng isang kolehiyala.

Thanks. Sabi niya sabay ngiti oh, by the way here’s your tip. Binigay niya sa akin ang isang daan. Nginitian ko naman siya saka nagpasalamat. Laking pasasalamat ko dahil tinaggap nila ako dito, bukod kasi sa medyo malaki ang sweldo ay binibigyan pa kami ng tips.  Malaking tulong talaga to dahil my mga gamot na dapat i-maintain si papa. 

Bumalik ako sa station ko upang kumuha ng panlinis sa mesa ng may pumasok,ng tiningnan ko kung sino yung dumating, costumers pala. Apat na college students na kalalakihan, na sa tantya ko ay nasa 19 hanggang 20 ang edad.


Magaling akong mag tantya ng edad ng tao eh XD

Kinuha ko na yung notepad at pen ko at dumeretso sa table nila.

Welcome to cakes in cups. Ano po ang order nila? Sabi ko sabay bigay ng malapad na ngiti (^v^)


Kahit ano basta mabura lang yang ngiti mo..para kang tanga saad ng isa sa mga lalaki. Yung naka coral blue na polo at saka naka gel.



Sige lang Krystal. Smile lang. Super duper sweet ka eh, bitter lang siya.



Ngingiti-ngiti pa eh, akala mo kung sinong maganda dagdag pa niya


Nakakahalata na ko dito ha..



Ah! pag-pasensiyahan mo na ang kasama naming miss ha? Pag-hingi ng dispensa ng kasamahan niya na naka white polo shirt ganyan talaga yan eh, masungit(^_^V) Sabi niya tsaka nag peace sign.

Oo nga miss dugtong pa nung isa na naka checkered na polo na naka salamin kami na ang humihingi ng dispensa.

Bro! Hindi ganyan ang tamang pagtrato sa babae sabi pa nung isa na naka polo shirt na stripes sabay tapik sa balikat nung naka coral blue na polo
By the way miss beautiful, I’m steve.what’s your name? Pahabol niya sabay ngiti ng mapang-akit
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Parang nadadala ako ah.
.
.
.
.
.
.
.
NOT!
As if!

 Eew!!

Mukhang chickboy pa yung naka suot ng stripes na poloshirt. Pero infairness .. uhm, gwapo na man sila.. pero parang ayaw ko sa kanila.. mukhang arrogante. Pero kahit papano naman may modo, pwera lang sa isa  -_-

 

Tss.. mag sitigil nga kayo.. kaya kong humingi ng dispensa sabay tingin sa akin ng makahulugan nung naka coral blue na polo. Ako naman, dahil sa mahaba ang pasensiya ko, nakangiti lang ako.   Hihingi siguro siya ng sorry.

 Yun nga lang kung gusto ko sabay smirked sa akin

.
.
.
3
.
.
2
.
1
Unti –unting nabubura ang ngiti ko.
Keep calm and stay pretty, Krystal
Okay lang po iyan sir.. wala namang pumipilit sa inyo eh.. naiintindihan ko po na mahirap talagang itago ang katotohanan lalong-lalo pa po at napapaligiran kayo ng mga taong di pwedeng mapasainyo dahil hindi pwede. Baka layuan lang kayo at kukutyain. Mahirap na at Isa pa po,  
.
.
.

marami talgang naiinsicure sa akin e. Saad ko sa nakapang-iinis na tono.
Nag sitawanan ang mga kasamahan nung naka coral blue na polo habang siya naman ay namula sa pagkakainis.... o pagkagalit siguro.
.
.
.
Oh Man! That was epic! I never thought na my magdududa sa pag-kalalaki mo ( naka white na polo)
.
.
.
That will sting man! A lot! (nakacheckered)

At ang pinakahuling nagsalita ang Steven (flirt)

Maybe she’s right man! *insert  fits of laughter here* maybe your G...
*BOGSH*
Binatukan ng pagkalakas ni Coral blue si Steve sa ulo na animo’y matatangal sa pagkakadikit mula sa kaniyang spinal coloumn.
Stop it! ani niya sa malamig na tono saka ibinaling ang kaniyang nag-aapoy na tingin sa akin.

And you! Huwag na huwag mong pagdududahan ang pag-kalalaki ko. Hindi ko na kailangan pang patunayan yon, lalong lalo na sa isang kagaya mo.. If you’re doin’ this to get my attention, save it. hinding-hindi ako papatol sa isang kagaya mo..
.
.
.
.
Ouch! Tumagos sa puso ko iyon ha! Akala  mo patatalo ako?!
.
.
.
.
Mawalang galang na po Sir, o sir nga ba? Hindi mo talaga mapapatunayan yun dahil hindi naman totoo.. so anong use? At isa pa po, alam kong di mo talaga ako papatulan kasi hindi ako lalaki. DIba Sir? * insert nakakalokong ngiti here*
Kung kani-nanina’y nagsitawanan lang ang mga kasamahan nitong si Serena (blue), ngayo’y halos maiyak na sila kakatawa. Ito naman si sir DAW, mas lalo pang namula at tiningnan pa ako ng pagkasama..

Oh sir, hinay hinay lang sa pagtitig. Kung sakaling nagtataka ka, wala akong make up ha.. only johnsons baby powder touches my skin.. sabi ko

Ikaw, sinusubukan mo talaga ako ha... bigla siyang tumayo sa pag kaupo niya. HALA! Ang tangkad niya, parang poste..

*GULP*  Patay tayo neto






Sakto namang dumating si Ma’am Au.

Raf! Good to see you again. Nagagalak na bati niya.

PHEW! Buti na lang.. muntik no ko dun ha.. ayos talaga sa timing itong si Ma’am J

I’m Glad to see you too,auntie. Looking good as always.

Galak daw. Tsk. My nagagalak bang napakaseryoso ng mukha? Ano yun nag dedesguise?

 Ikaw talagang bata ka! Ngiting –ngiting tugon ni ma’am with pahampas hamapas effect pa!

Anyway, anong nangyayari dito? Bat di pa kayo nag oorder?
Mag oorder naman po sana kami eh, saad ni steve, yung naka stripes
 kaya lang napag-diskitahan nitong si Raf ang magandang dilag na ito.alam niyo naman si Raf, may pinag-dadaanan...

Pinag dadaanan? Valid reason ba yun para pwede ka ng mang-imbyerna ng tao? Luh.

Maganda? Saan banda? Tsk.  Saad ni Coral blue/ Raf

OO. Maganda ako!! ~~ sabi ng NANAY ko, saan banda? Edi lahat.

Tiningnan ako mula ulo hanggang paa ni Ma’am Au saka tinaasan ng kilay. Binaling niya muli ang paningin niya kay raf at parang nagbago ang demeanor niya.
It’s okay.ako na bahala dito. Kung hindi ako nagkakamali ay parang lumambot ang tinig ni Ma’am Au. Di yung karaniwang “masungit voice” niya
o-okay po..
bago ako tuluyang umalis ay tiningnan ko muli ang Raf..at tinignan niya rin ako..
.
.
.
.
.
.
Nagkatinginan kami
.
.
.
.
Tapos ako à >:-P sabay takbo paalis

Narinig ko nalang ang muling tawanan ng kaniyang kasamahan.
*Fast Forward*
Mag aalas diyes na ng gabi. Pinagpasyahan kong mag-over time dahil sayang naman ang kikitain ko. Di kasi makakapunta ang isang night shift waitress eh kaya’t kinuha ko na lang. Sa ganitong oras, mangilan-ngilan lang ang mga costumers kaya’t okay na rin, kahit papano ay nakapag-pahinga ako.
Krystal...krystal
Nasa my counter ako noon ng tinawag ako ni Mayette, isa sa pastry artist namin. Mabait yan, hindi mataray kahit may kaya sa buhay. Bakas sa kaniyang boses at mukha ang pag alala.
Oh mayette. Bakit? anong problema?
Aalis muna ako sandali. Nag text ang yaya ni Aya. Nilalagnat na naman daw. Titingnan ko muna siya. Huwag kang mag-alala, babalik din naman ako.
Ha?! Oh sige.. bilisan mo na. Huwag kang mag-alala, ako na bahala dito
Salamat talaga Krystal ha? Ani ni Mayette saka ako niyakap at umalis na
Malaki ang utang na loob ko kay  Mayette. Nung mga panahon kasi na labas-pasok si tatay sa hospital siya lang ang tumulong sa akin. Pinahiram niya ako ng pera at binigay niya pa sa akin ang kaniyang sahod sa buwan na iyon ng walang kapalit. Kung tutuusin nga, di niya na kailangan pang magtrabaho. Anak mayaman yan eh, nakapangasawa pa ng kapwa mayaman. Ang ganda nga love story nila eh, pang teleserye. Si Mayette amo ni  Jared, ang kaniyang husband. Nag-trabaho si Jared sa kanila bilang driver. At doon nga nagsimula ang kanilang pag titinginan. Sad to say, naging you and me against the world sila. Ayaw ng papa ni mayette kay jared, kaya hayun pinag-hiwalay sila. Ang masama pa roon ay hindi lang nakipaghiwalay si Mayette kay Jared, pinag salitaa niya pa ito ng masakit. Hindi naman kagustuhan ni mayette yun eh, kinailangan lang niyang gawin iyo dahil alam niyang hindi siya tatantanan ni Jared kung makipag-break lang siya ng walang dahilan. Mapapahamak lang si Jared pag nagkataon.Mas pipiliin niya na lang na magalit ito sa kaniya dahil at least lalayo ito sa kanya kahit mahal na mahal pa niya si Jared. Matapos ng kanilang intense na break up, nalugi ang kumpanya nila Mayette na naging rason upang mag kasakit ang ama nito ng malubha. Sa puntong iyon, tumigil sa pag-aaral sa Kolehiyo si Mayette upang mag trabaho. Hindi kasi sapat na pambayad ang mga ari-arian nila. Ang masama pa nito ay tinakbo ng kaniyang tito ang pera ng kaniyang ama. Nag trabaho siya bilang janitress, waitress hanggang sa pagbebenta ng kung ano-ano para kumita lang ng sapat na pera. Ngunit kahit na ganoon, hindi siya pinanghinaan ng loob hanggang sa dumating na lang isang araw na kailangan niyang ibenta ang kanilang bahay. Napakabigat sa loob na ibenta niya ito sapagkat yun nalang ang natitirang ala-ala ng kaniyang yumaon na ina. Turns out, si Jared pala ang nakabili ng bahay at ang mas nakakagulat pa ay siya pala ang nawawalang anak ng may-ari ng pinakamalaking networking company sa Asya. Nung una, bumalik si Jared upang gumanti sa kanilang mag-ama at para masagawa ang plano, pinapirma niya si Mayette ng kontrata na nagsasaad na magiging asawa/personal slave niya ito sa loob ng isang taon. Kapag nagawa naman ito ni Mayette ay ibabalik ni jared sa kaniya ang bahay. Isang taon ang hinigi niya dahil isang taon niya ring papahirapan si Mayette. Matapos nilang ikasal, tumira sila sa iisang bahay or should I say mansion. Araw-araw, pinapalinis ni Jared kay Mayette ang buong bahay mag-isa, pinaglalaba ng mga bed sheets at damit na hindi gumagamit ng washing machine at ipiagluluto pa siy. ngunit hindi sumagi sa isip at puso ni Mayette ang magalit kay Jared. Sa halip ay tila mas lumalim pa ang pag mamahal niya dito. Natigil lamang ang mga gawaing ito, matapos niyang alagaan at bantayan si Jared ng mag-kasakit ito ng medyo malubha. Wala kasing may nag-aalaga kay Jared, kahit ang sarili nitong ina. Masaya na nga sana siya kahit papano kasi mukhang unti-unti g bumabalik sa dati ang kanilang relasyon kung di lang nagging mailap si Jared sa kaniya sa huli. Kaya pala nagka ganoon ay dahil nasa stage of confusion pa si Jared.Sinubukan naman ni Mayette na maging close ulit sila ni Jared eh, hanggang isang gabi umabot na sa sukdulan si Mayette. Nadatnan niyang nakahiga si Jared sa kanilang kama kasama ang isang di kilalang babae at pareho silang hubad. Dahil sa sobrang kalungkutan at pagkadismaya ay napag-pasyahan niyang umalis. Iniwanan  niya si Jared ng isang liham na nagsasaad na hindi na niya kaya at maghahanap na lamang siya ng trabaho upang mabili ulit ang bahay ng kaniyan ina mula kanya. Medyo malayo rin ang binyahe ni Mayette. Nakarating siya sa Cebu at doon naghanap ng trabaho.  Doon siya nabigyan ng pagkakataon na maging Chef sa isang di kilala na bakery. All the while, halos mabaliw si Jared sa kakahanap sa kaniya dahil finally inamin na niya sa sarili niya na mas mahalaga si Mayette sa kanya kesa sa galit niya. Nang matunton niya ito ay sinuyo niya muli ito nag-kaaminan silang dalawa at nagpasyang magpakasal ulit.hindi lamang iyon, nadakip ang kaniyang tito at naibalik ang kanilang pera, gumaling ang kaniyang ama at bumalik ulit sa pag nenegosyo gamit ang na recover na pera na muling nagtagumpay. Nabiyayaan rin sila ng isang anghelsa katauhan ni Aya.


 Oh diba? Pang teleserye ang Peg nila...

Ako at si Bogart (security guard) ang natira sa Cafe. Mabuti nga lang at walang ng costumer na pumapasok. Halos makatulog na ako sa kinauupuan no ng makarinig ako ng pag bukas ng pintuan. Isang matandang babae ang bumungad sa aking paningin. Agad kong inayos ang aking sarili at saka pinuntahan siya.
Good evening ma’am! Welcome to cakes in cups. Here is our menu. Inabot ko sa kaniya ang menu. Napansin ko naman na medyo maputla siya.
Gusto niyo po ba ng tubig? Mukhang kailangan niyo eh...
Ngumiti naman ang matanda at saka tumango. Pumunta ako sa kitchen saka kumuha ng isang Pitcher ng tubig at baso. Bumalik ako doon sa table. Pinuno ko muna ang baso saka ibinigay sa kaniya. Ininom niya naman kaagad ito.
Maraming salamat Ineng ha? Kanina pa talaga ako nauuhaw at nagugutom. Kanina pa nga ako naghahanap ng makakainan eh, ngunit sa kasamaang palad isang club lang at ng cafe na ito ang bukas, eh alangan naman doon ako sa club sabi ni Lola saka tumawa. Napatawa naman ako
Ayaw niyo po yun? Ang cool ng dating niyo! Kumunot ang  noo ni lola.
Ah! di ko lubos maisip na pumasok  sa isang maingay at mapusok na lugar.
Napailing nalang ako. Hindi ko alam kung bakit ngunit ang gaan ng pakiradam ko sa kaniya
Maiba po tayo, may napili na po ba kayo?
Oo, bigyan mo ako nitong blueberry cheese cupcake niyo bali dalawa at saka isang tasa ng kapeng barako at latte
Nagulat ako ngunit hindi nagsalita. Pang dalawang tao kasi yung inorder ni lola eh. Mauubo niya ba yun? Matapos kung ibigay ang order ni lola ay nagulat ako dahil pinaupo niya ako sa tabi niya at binigay ang isang cupcake at latte sa akin. Sinabihan niya akong sabayan daw siya dahil wala naman daw na costumer bukod sa kaniya. Dahil sa medypo gutom na rin ako ay pumayag na rin ako.
Napakakulit pala nitong si lola. Ang hyper niya at maraming alam na pranks. Kinuwento niya rin sa akin ang buhay niya ngayon. Biyuda na siya at hinihintay na lang kung kailang siya mamamatay. Para sa kaniya, tapos na ang tungkulin niya dito sa mundo. Mapagtapos niya na ang kaniyang limang anak at may mg kaniya-kaniya ng mga buhay ito ngayon. Lahat sila Masaya. Para sa kaniya, ito na ang pinakamalaking tagumpay iya bilang isang tao at isang ina. Sa loob ng oras na kasama at kwentuhan ko si lola ay mas lalo akong naging malapit sa kaniya. Siguro dahil yu sa kadahilanan na gusto ko rin magka-lola. Pareho kasing maagang namatay ang mga lola ko eh, di ko man lang naabutan  :-/ kinwnto ko rin sa kaniya ang buhay ko at ang kasalukuyang kondisyon ni papa.
Nang matapos kami ay inutusan na ako ni lola a iligpit ang pinagkainan name. Sinabi niya rin na ilalagay niya na lang sa mesa ang bayad niya. Alam ko naman na totohanin ni lola ang sinabi niya at isa pa, alam kog minamasdan at naririnig kami ni Bogart kaya alam ko na may gagawin ito kung saka-sakali. Pagbalik ko mula sa kitchen, nakita ko na may envelope sa taas ng Mesa. Nang binuksan ko ito ay may isang kwintas na nahulog mula dito. Isang white gold na kwintas na may pendant na hugis pak-pak ng anghel. Kasama rin sa loo bang isang libong piso at saka isang note na:
Krystal,
           Sa loob ng maikling oras nating pag-uusap, pakiramdam ko ay  matagal na kitang kilala. Hindi ko alam kung bakit nguit ang gaan-gaan ng pakiramdam ko sa iyo. Alam kong malalagpasan mo rin ang lahat ng mga pinagdadaanan mo ngayon kaya kapit lang at huwag kalimutan and tao sa itaas. Dahil diyan, ibibigay ko sa iyo tung kwintas kong ito. Alam kong mas kailangan mo ito kaysa sa akin.
                             Pagpalain ka g Diyos
                                                                                 -lola-
Ipinasok ko ang kwintas sa bulsa ko saka tinanong kay Bogart kung kanina pa umalis si lola. Sabi niya hindi pa naman masyado. Sinabihan ko rin si Bogart na siya na muna ang bahala dito at my aasikasuhin muna ako sandal. Gusto kong magpasalamat kay lola. Lumabas ako at tinakbo ang eskinita. Medyo madilim kasi konti lang ang post eng ilaw pero binalewala ko iyon, may mga tao naman eh. Di nagtagal nakita ko ang silhouette ni lola sa may di kalayuan
Lola! Sigaw ko ngunit tila di niya ako naririnig
Lola! Mas lalo kog binilisan ang pagtakbo ko para maabutan siya. Mata ko’y nakapako lang sa kaniya ng makarinig ako ng napakalakas na busina at parang nag slow motion ang lahat...
Nakita ko na lang na may isang kulay puti na rumaragasang sasakyan na bumanga kay lola. Dahil sa lakas nito ay tumilapon si lola sa may di kalayuan. Nakita at narinig ko rin ang tunog ng malakas na pagbagsak niya at ang pagtakbuhan ng mga tao sa katawan ng tao upang siya ay tulungan. Tumingin ako sa sasakyan, tapos kay lola all through out, nakapako lang ako sa aking kinatatayuan na aimo’y statwa. Bumalik lang ako sa realidad ng mahagilap ng aking mga mata ang isang babae, siguro ay ka-edad ko, na siguro tulad ko ay nakita ang pangyayari. Maganda rin ang babaeng ito pero parang maputla.Ngunit ang pinagtataka ko ay mga sumunod niyang pag-kilos.

Pumunta siya sa nagkukumpulan na mga tao ngunit hindi sumiksik. Nasalikod lamang ito ng my kinuha siyang isang libro na hardbound at isang ballpen mula sad ala-dala nitong bag at saka nagsulat ng ilang saglit. Matapos nito’y para kung may anong lamig ang bumalot sa aking katawan at nagsitayuan ag mga buhok ko. Nakita ko kasing bumangon ang isang transparent na lola mula sa katawan nito at pumunta sa babae. Nag-usap sila saglit tapos sabay lumakad papunta sa kadiliman at nag-laho. Hindi parin ako natinag sa aking pwesto.
Totoo ba ang lahat ng nakita ko o kathang isisp laman yon?
Nakawala lamang ako sa pagiging statwa ko ng my dumating na ambulansya. Nagsimula na akong lumakad pabalik ng cafe e medyo tuliro at naguguluhan. Pinabalik balik ko sa aking isipan ang aking natunghayan..
Hindi ako pwedeng magkamali sa nakita ko..
Kinabukasan narinig ko nalang ang balita na:
Isang Matandang Babae ang namatay matapos itong mabanga ng kotse. Sinubukan pa raw itong dahil sa Ospital ngunit idineklara na itong dead on arrival. Napagalaman rin na isang lasing na minor de edad ang nagmamaneho ng sasakyan na nakabangga sa kaniya, dapit alas dose impunto ng gabi....


























Angel's Pen

Write's Note:

Since WALA namang nakaka-alam sa page ko na to, mabuti pa dito ko nalang ibuhos to. kung sakaling may makakakita't makakabasa man nito, can you notify me? comments are much appreciated :D

Chapter One
|Gayle|
Nagising ako na medyo nahihilo. Ipinikit ko ang aking mga mata dahil parang sasabog na ang aking ulo. Sari-saring mga emosyon ang dumadaloy sa aking katawan na hindi ko maipaliwanag.ngayon lang ito nangyari sa akin. Nang mahimasmasan ako ng kaunti, iminulat ko ang aking mga mata upang tingnan ang aking kapaligiran.
Nasan ako?!
Lahat ng nakikita ko ay kulay puti. Sinubukan kong tumayo ngunit hindi ko kaya. Ang sakit ng ulo ko.
Tumayo ka anak  saad ng isang tinig mula sa aking likuran
 Nagulat na lang ako ng kusang tumayo ang aking mga paa. Sino ba siya? Parang nabasa niya ang iniisip ko sapagkat sumagot siya
Ako si San Pedro Anak.Ikaw Gayle ay nasa Pagitan ng buhay at kamatayan..
Ha? Anong pinag sasabi ng matandang ito. Hindi porket naka  daster siya ng puti na animo’y damit ni Jesus maniniwala ako sa kaniya
Maniwala ka Gayle. Gusto mo ng proweba?
Dahil sa likas ako na Curios ay tumango ako.
Tumingin ka sa inaapakan mo.
Nung tiningnan ko ay napasinghap ako. Ang dating puti, ngayon ay parang naging salamin at ang nilalaman?  Ako na nakahiga sa isang kama sa hospital at ang katawan ko ay puno ng bandage at mga nakatusok na naka-konekta sa iba’t ibang klase ng makinarya. Napa-hikbi ako sapagkat naaawa ako sa kalagayan ko. Ang putla-putla ko, parang patay. Mas lalo pa akong napaiyak ng Makita ko ang aking mga magulang at kakambal sa tabi ng aking kama. lahat sila’y umiiyak. Ito ang unang beses na nakita kong umiyak ang aking ama.
Patay na ba ako?  Hindi ko maiwasang mapatanong
Katulad ng sinabi ko kanina, nasa pagitan ka ng buhay at kamatayan. Hindi ka pa patay ngunit hindi ka rin naman buhay.
Huh?! Edi ano ako?
Naliligaw na kaluluwa
Naliligaw na kaluluwa? E diba parang patay na rin yun? Nakita ko naman na napangiti si san Pedro. Naliligaw? T-teka, edi may posibilidad na..
Kung naliligaw ako, edi may posibilidad na makabalik ako sa katawan ko.
Sumang-ayon naman si San Pedro. Halos mapalundag ako dahil sa tuwa ngunit natigilan ng marinig ko ang sumunod niyang sinabi:
Makakabalik ka lamang kapag nagawa mo ang ipapagawa ko.
Nakaramdam ako ng kaba. Base kasi sa ekspresyon ng kaniyang mukha ay mukhang mahirap ito. Ngunit ng napatingin ako sa salamin ay nabawasan ng kaunti ang aking nararamdaman.
A-ano ba yun? Nag-aalangan kong tanong
Kailangan mong sunduin ang mga kaluluwa na kailangan ng husgahan, mga taong kailangan ng mamatay...
Napalunok ako. Kailangan kong gawin iyon, alang-alang sa aking Pamilya.Mukhang nakita naman ni San Pedro ang determinasyon na dumampi sa aking mga mata kaya’t ipinagpatuloy niya ang kaniyang sasabihin
May tatlo kang tao na susunduin. Ang pangalan nila ay nakasulat sa kwadernong ito (inabot ang isang kulay ginto na hard-bound na libro) Isusulat mo diyan sa kung paanong paraan sila namatay, eto ang panulat ( inabot niya ang isang kulay itim na panulat).
teka, paano ko malalaman na sila na pala ‘yon?
malalaman mong sila na iyon kapag may maramdaman ka na kakatwa kapag nakita mo ang kanilang mukha. Babalik ka mundo bilang isang tao ngunit sa ibang katauhan.Maaari mong bisitahin ang iyong mga magulang ngunit hindi ka pwedeng magpakilala bilang si Gayle Angelique Salvador. Siya nga pala, meron kang 2 linggo para matapos mo ang misyon na ito.
Nilagay ni San Pedro ang Kamay niya sa balikat ko
Hindi lang ikaw ang makikinabang sa misyong ito..kaya’t hanggang maaari ay lawakan mo ang iyong pag-iisip.dito masusubok ang paninindigan at katatagan mo...

Pagkatapos niyang sabihin iyon, naramdaman ko na lang na nahuhulog na ako. Kung saan? Hindi ko alam.